Tuesday, October 28, 2008

►010308091527◄


Banig ko ngayong gabi
Ang simentong ayaw hiwalayan
Ng nalilibugang alikabok.
Kumot ko ang usok ng lansangan.
Kasiping at katabi ko sa pagtulog ang mga lamok.
Hindi ko sila itataboy
At hindi nila ako pandidirihan.
Mangingibig silang hahalik
Sa nagnanaknak kong talampakan.
Walang radyo na aawit
Ng banyagaing kundiman para sa akin.
Sa papaantok na gabi,
Ihehele ako ng busina
At pagmumura ng ayaw-matulog na kalsada.
Bukas ay lilipat ako
Ng ibang basurahang matutulugan.
Muli, bago ako maidlip,
Pupunasan ko muna at patutuyuin
Ang banig kong iyong pinag-ihian.

No comments: